Muling nanawagan si US President Joe Biden sa kongreso na ipasa na ang pondo para sa military aide sa Israel at Ukraine.
Dagdag pa nito na mahalaga na mabigyan ng tulong ang Israel dahil ito ang kaalyadong bansa sa Middle East at hindi hahayaan na humina ito mula sa pag-atake ng Iran.
Taunan kasi ay nakakatanggap ang Israel ng $3.8 bilyon na tulong mula sa US.
Una ng naipasa ng US ang $95 bilyon na supplemental funding bill noong Pebrero subalit ito ay hinarang ni US House Speaker Mike Johnson kung saan mahalaga na ituon na lamang ang pondo sa paglaban ng US sa mga iligal immigrants.
Itinuturing kasi ng ilang mambabatas sa US na walang kuwenta ang pagpondo sa Ukraine dahil sa mahigit na dalawang taon na pakikipaglaban nito sa Russia at hindi nila nakikitang ito ay matatapos na.