-- Advertisements --

Pinayuhan ni US President Joe Biden ang Israel na may ilang mga kaparaanan para sa pag-atake sa oil fields ng Iran.

Sinabi nito na kasalukuyan pa ring tinatalakay kung paano makakaganti ang Israel sa ginawang missile strike ng Iran.

Giit nito na kung sakaling ang US ang magdedesisyon ay maaring humanap na lamang sila ng ibang alternatibo.

Ipinagmalaki rin ni Biden na sa kaniyang administrasyon lamang na nakapagbigay ng buong suporta sa Israel.