-- Advertisements --
Labis na nababahala si US President Joe Biden sa paglabas ng classified na mga impormasyon ukol sa planong pag-atake ng Israel sa Iran.
Sinab ni White House National Security Council spokesman John Kirby , na kanilang inaalam kung ang nasabing mga dokumento ay nanakaw matapos na ma-hack o inilabas dahil sa leak.
Una ng kinumpirma ni House of Representatives Speaker Mike Johnson ang paglathala ng mga dokumento noong nakaraang mga araw.
Naglalaman ito ng mga impormasyon sa paggalaw ng mga military assets ng Israel bilang kasagutansa missile attack ng Iran noong Oktubre 1.
Ang nasabing dokumento na minarkahan na “Top Secret” ay ibinahagi sa limang intelligence alliance ng US ang Britain, Canada, New Zealand at Australia.