-- Advertisements --

Ipinagdasal ni US President Joe Biden ang tamang hatol sa dating Minneapolis pulis na si Derek Chauvin.

Si Chauvin kasi ang inakusahang pumatay kay George Floyd noong nakaraang taon.

Sinabi ng US President na nakausap niya ang kaanak ni Floyd at sinabing magtiwala lamang sa takbo ng hustisya.

Ang 45-anyos na si Chauvin ang nakitang lumuhod sa ulo ni Floyd habang ito ay inaaresto hanggang mawalan na ito ng hininga.

Nahaharap ito sa kasong second-degree murder.

Magugunitang nagdulot ng malawakang kilos protesta ang naganap na pagpatay kay Floyd noong nakaraang taon.