-- Advertisements --

Maghihigpit na ang US sa sa mga asylum seekers na iligal na tumawid mula sa Mexico.

Sinabi ni US President Joe Biden na epektibo agad na ang nasabing kautusan kung saan hinigpitan ng mga border guard ang pagbabantay.

Ipinaliwanag nito na mahalaga na gumalaw na ang US laban sa mga iligal na migrants.

Magugunitang isa sa mga ibinabatong isyu ng kaniyang katunggali sa halalan na si dating US President Donald Trump ang kapabayaan ni Biden na bumuhos ang mga migrants sa US.