Naging emosyonal si US President Joe Biden sa ginawang eulogy niya sa burol ni dating pangulong Jimmy Carter.
Sa isinagawang state funeral sa namayapang dating Pangulo ng US, dinaluhan ito ng mga mataas na opisyal ng US at mga dating pangulo na sina Biden, Donald Trump, Barack Obama, Bill Clinton at George Bush.
Sa talumpati ni Biden na labis itong nalulungkot dahil hindi-hindi nya makakalimutan ang naging bilin pa niya sa kaniya ng yumaong 100-anyos na pangulo.
Noong nabubuhay pa aniya ay nagkita sila at sinabi sa kaniya ni Carter na dapat si Biden ang magbigay ng Eulgoy.
Tanging mga apo lamang ng dating pangulo ang nagsalita habang nanonood lamang ang apat na anak nito.
Kuwento ni Biden na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong 1974 ng parehas silang senador ng US kung saan siya ang unang nag-endorso kay Carter na tumakbo sa pagkapangulo.
Matapos ang ginawang state funeral ay bumalik ang bangkay ni Carter sa Georgia para doon ilibing katabi ng yumaong asawa.