Iminungkahi ngayon ni President-elect Joe Biden na gumastos ng $1.9 trilyon ang gobyerno kasabay ng kanyang paglalatag sa rescue plan sa mamamayan ng Amerika sa gitna ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.
Sa kaniyang mensahe, sinabi nito na $1 trillion ang ibibigay niyang tulong sa mga mamamayan ng Amerika; $400 billion para sugpuin ang COVID-19; habang $440 billion naman ang ibibigay na tulong sa mga komunidad at mga apektadong negosyo.
Ibinunyag ni Biden ang kaniyang multi-trillion dollar stimulus package proposal ilang araw bago siya umupo sa White House bilang tugon upang labanan ang COVID-19 at masimulan na ang muling pagbangon ng kanilang ekonomiya na lubhang apektado ng pandemya.
Kabilang din sa prayoridad na tulungan ng incoming Democratic President ay ang mga nawalan ng trabaho kung saan dadagdagan ang kanilang mga benepisyo; kasama na rin ang vaccination plan at dadagdagan ang minimum wage ng kanilang manggagawa.
Kung maalala noong Disyembre pinirmahan ni US President Donald Trump ang economic package na ipinasa rin ng Kongreso para sa $600 stimulus payments sa mamamayan sa kabilang panawagan ng mga mambabatas na dapata taasan pa ito.
Sa panukalang ngayon ni Biden hinihiling niya ang $1,400 payments para mabuo ang $2,000 sa mga eligible.
“We need to tackle the public health and economic crises we’re facing head-on. That’s why today, I’m announcing my American Rescue Plan. Together we’ll change the course of the pandemic, build a bridge toward economic recovery, and invest in racial justice,” ani Biden. “We have no time to waste when it comes to getting this virus under control and building our economy back better.”