-- Advertisements --

Wala pa ring balak ang US na magpadala ng mga fighter jets sa Ukraine.

Ito ay kahit na inanunsiyo ng Poland na nagpadala sila ng apat na mga fighter jets nila.

Sinabi ni US National Security Council Spokesman John Kirby na naninindigan ang si President Joe Biden sa kaniyang naunang pahayag na sapat na ang mga tulong militar na kanilang ibinibigay at hindi na ang mga fighter jets.

Magugunitang nagpasya ang Poland na magpadala ng apat na Mig-29 fighter jets sa sila ang unang bansa na nagpadala ng fighter jets sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia.

-- Advertisement --

Umaasa naman ang Ukraine na sumunod ang ibang mga bansa na magpadala ng kanilang mga fighter jets para tuluyang malabanan ang Russia.