Nagpabakuna sa harapan ng mamamayan ng Amerika si President-elect Joe Biden gamit ang Pfizer Covid-19 vaccine.
Layunin nito ay ipakita sa publiko na ligtas gamitin ang nasabing bakuna.
Ayon kay Biden, ginawa niya ito upang maipakita sa mga tao na dapat maging handa kapag andiyan na ang bakuna.
Hinimok niya ang mga mamamayan na walang dapat ikabahala sa nasabing bakuna.
Sinabi rin niya, nararapat na bigyan ng papuri ang administrasyon ni Trump para sa paglulunsad ng programa ng bakuna sa kanilang bansa.
Maliban sa incoming Democratic President, kabilang din sa nagpabakuna sina Vice President Mike Pence at House Speaker Nancy Pelosi.
Nagnanais rin si Vice President-elect Kamala Harris at asawang si Doug Emhoff na magpapabakuna sa susunod na linggo.
Sa ngayon mahigit 500,000 Americans na ang nabakunahan.
Nagsimula na rin ang roll out para sa isang pangalawang bakuna, ang Moderna na naaprubahan noong nakaraang linggo.
“Today, I received the COVID-19 vaccine. To the scientists and researchers who worked tirelessly to make this possible — thank you. We owe you an awful lot,” ani Biden. “And to the American people — know there is nothing to worry about. When the vaccine is available, I urge you to take it.” (with report from Bombo Jane Buna)