-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Democratic president candidate Joe Biden dahil negatibo ito sa coronavirus.

Ito ay matapos ang paglabas ng resulta nito at ang asawang si Jill Biden.

Mismo ang doctor nitong si Kevin O’Connor ang nagsabi na sumailalim sa PCR testing para sa COVID-19 si Biden at asawang si Dr. Jill Biden.

Inilabas ang resulta matapos ang tatlong araw ng unang presidential debate nila ni US President Donald Trump kung saan nagpositibo si Trump at ang asawang si Melania.

Sinabi ni Biden na isang mahalaga ang paghuhugas ng kamay, pagsuot ng face mask at social distance.