-- Advertisements --

Kinumpirma ng White House na nagpositibo ngayon sa COVID-19 si US President Joe Biden.

Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre, na nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19.

Dagdag pa nito na bakunado at may booster na rin ang pangulo.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na dinapuan ng COVID-19 ang US President dahil dalawang beses na ito nagpositibo ng nasabing virus noong nakaraang mga taon.

Una ng nagsagawa ng kampanya sa Las Vegas si Biden bago nito kanselahin ang kaniyang talumpati pagdating ng gabi.