Pormal nang nagtapos ang electoral college voting para sa pagkapangulo ng Estado Unidos.
Mayroong kabuuang 306 na boto ang nakuha ni Democrat President-elect Joe Biden habang pinal namang 234 na boto ang nakuha naman ni US President Donald Trump.
Umabot ng mahigit pitong oras ang nasabing botohan ng mga US electoral college mula sa iba’t ibang estado.
Naunang nagpulong at bomoto ang Vermont, New Hampshire, Indiana at Tennessee habang ang ibang estado ay naghigpit sa pamamagitan ng pagdoble ng mga kapulisan gaya sa Michigan at sa Georgia.
Dadalhin ang nasabing mga boto sa Washington DC kung saan magkakaroon ng joint session ang Kongreso sa Enero 6, 2020 na pangungunahan ni Vice-President Mike Pence.
Habang sa January 20, 2021 ang inagurasyon ni Biden.
“In America, politicians don’t take power — the people grant it to them,” ani Biden sa kanyang statement. “The flame of democracy was lit in this nation a long time ago. And we now know that nothing – not even a pandemic – or an abuse of power – can extinguish that flame.”
“If anyone didn’t know it before, we know it now. What beats deep in the hearts of the American people is this: Democracy …. The right to be heard. To have your vote counted. To choose the leaders of this nation. To govern ourselves.”