-- Advertisements --
Nahaharap ngayon sa pressure si US President Joe Biden kung papayagan ba nito ang Ukraine na gamitin ang mga armas na binigay nila sa pag-atake sa teritoryo ng Russia.
Kasunod ito sa maraming mga bansa na ang nagbigay ng senyales na gamitin ang mga armas dahil sa patuloy na pagtaas ng tensiyon sa nasabing lugar.
Sinabi ni White House national security spokesman John Kirby na mananatili pa rin ang suporta nila sa Ukraine kahit na kailangan na baguhin ang ilang polisiya.
Nagkakaroon na ng pangamba ang Ukraine dahil sa opensibang ipinapakita ng Russia sa kanilang bansa.
Una ng nagbabala si Russian President Vladimir Putin na marapat na hindi makialam ang mga kaalyadong bansa ng Ukraine sa laban nila dahil tiiyak na sila ay gagantihan.