-- Advertisements --
Sisimulan na ng administrasyon ni US President Joe Biden ang pagproseso ng mga migrants na pinilit na manatili sa Mexico noong panahon ni dating President Donald Trump.
Mag-uumpisa sa darating na Pebrero 19 at ito ang unang hakbang ng Biden administration para tugunan ang problema ng ilang libong non-Mexican migrants.
Ayon sa isang administration official na simula pa lamang ito para maibalik ang pantay at maayos na proseso ng kanilang Southwest border.
Inaasahan na mayroong 25,000 migrants na mayroong aktibong kaso ang makikibahagi sa programa.
Tinawag ito na Migrant Protection Protocols kung saan tutulong ang gobyerno ng Mexico para mag-identify ng kanilang kababayan para sa nasabing programa.