-- Advertisements --

Nakausap ni US President Joe Biden ang magulang ni Hersh Goldberg-Polin, isa sa mga bihag na pinaslang ng mga Hamas.

Ayon sa White House na ipinaabot ni Biden ang pakikiramay kina Rachel at Jon Polin ang magulang ni Hersh.

Kasamang nakausap nilang personal sina US Vice President Kamala Harris ,second gentleman Doug Emhoff at US Secretary of State Antony Blinken.

Si Goldberg-Polin ay isang Israeli-American na naging simbolo ng hostage crisis.