Nakipag-usap na umano sa kauna-unahang pagkakataon si US President-elect Joe Biden sa mga prime ministers ng Israel at India na isa sa mga kaalyado ni President Donald Trump.
Sa isang pahayag, siniguro raw ni Biden kay Prime Minister Benjamin Netanyahu na deteminado itong muling ibalik ang samahan ng Estados Unidos at Israel upang patatagin ang bipartisan support sa pagitan ng dalawang bansa.
Magugunita na bahagyang may gusot sa samahan nina Netanyahu at dating US President Barack Obama na siya namang kapartido ni Biden.
Binigyang-diin din aniya ng bagong pangulo ng Amerika ang suporta nito para sa seguridad ng Israel at maging ang kinabukasan ng mga Jewish at democratic state.
Umaasa rin si Biden na makatrabaho rin si Indian Prime Minster Narendra Modi na kamakailan lamang ay umani ng papuri mula kay Trump sa isinagawa nitong campaign rally sa Texas at Gujarat.