-- Advertisements --
Nakausap sa telepono ni US President Joe Biden si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ayon sa White House na tinalakay nila ang patuloy na labanan ng Israel sa Gaza.
Bukod pa dito ay hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang White House sa pag-uusap ng dalawang lider ng bansa.
Magugunitang mula ng magsimula ang labanan ng Hamas at Israel noong Oktubre ay suportado ng US ang Israel para tuluyang masawata ang pamamayagpag ng mga teroristang grupo.