-- Advertisements --
Nakibahagi si US President Joe Biden sa isinagawang kilos protesta ng United Auto Workers sa Michigan.
Siya ang itinuturing na kauna-unahang nakaupong pangulo na sumali sa picket.
Humiling kasi ang grupo ng 36 percent na dagdag sa kanilang sahod kada oras sa loob ng apat na taon.
Iginigiit ng grupo ng nakabawi ng husto ang mga auto companies mula ng manalasa ang COVID-19 sa mundo.
Pagtitiyak naman ng US President na kanilang tutulungan ang union na maisakatuparan ang nasabing kahilingan nila.