Nakikipag-usap na si US President Joe Biden sa kauna-unahang pagkakataon kay China President Xi Jinping.
Ito ang ibinunyag ng senior official ng administrasyon.
Tinatalakay ng dalawang leader ng world’s largest economies issue may kaugnayan sa nangyaring tension ng dalawang bansa.
Prayoridad ni Biden ang economic at military issues, climate change at nuclear proliferation.
Tinawag pansin din nito ang China matapos mauugnay sa masamang paggamit ng teknolohiya, hindi patas na pangangalakal at pag-abuso sa karapatang-tao.
Gusto rin nito aksyunan ang ginawang pang-aabuso ni Xi sa karapatang pantao ng Muslim minority ng China na si Uyghurs at pagalit na aksiyon nito sa Hong Kong.
Tiniyak ni Biden na mananatili ang “open lines of communication” sa pagitan nila ng presidente ng China.
“I spoke today with President Xi to offer good wishes to the Chinese people for Lunar New Year. I also shared concerns about Beijing’s economic practices, human rights abuses, and coercion of Taiwan. I told him I will work with China when it benefits the American people,” ani Biden sa statement. (with reports from Bombo Jane Buna)