Nakita umano ni US president-elect Joe Biden ang sinsiridad ng White House para sa pagtulong sa kaniya sa paglipat sa puwesto.
Sinabi ng dating bise presidente na hindi niya inaasahan na ganoon kaseryoso o “sincere” ang White House.
Pormal na kasing pinayagan ni US President Donald Trump na magkaroon ng transition process na magsisimula sa Lunes, tatlong linggo matapos ang US elections.
Ito ay kahit hindi pa rin sumusuko si Trump at patuloy na kinukuwestiyon ang ilang estado kung saan ito natalo.
Dagdag pa ni Biden, mabagal man ang pagsisimula may dalawang buwan pa naman sila para sa pormal na pag-upo nito.
Samantala, pormal na ring nagpaabot nang pagbati si Chinese President Xi Jinping sa pagkapanalo ni Biden.
Sa kaniyang telegram na ipinadala, umaasa ito na magiging maganda na ang relasyon ng China at US.