-- Advertisements --

Sumentro sa panawagan nang pagkakaisa ang Thanksgiving message ni President-elect Joe Biden sa Wilmington, Delaware.

Sa kaniyang mensahe, hinimok niya ang mamamayan ng Amerika na magkaisa sila na labanan ang deadly virus.

Umapela rin siya sa lahat nang Amerikano na maging matatag at humiling na tiisin muna ang mga paghihigpit sa pagpapatupad ng mga biyahe at mga pagtipon-tipon upang malabanan ang pandemya.

Ang pananampalataya, tapang, sakripisyo, kahit sa harap ng pagdurusa, ay naging bahagi ng Thanksgiving message ni Biden.

Aniya, mula sa sakit nagmula ang posibilidad.

Mula raw sa pagkabigo nagmula ang pag-unlad.

Mula naman sa paghati-hati, nabuo ang pagkakaisa. (with report from Bombo Jane Buna)