Ipinag-utos ni US President Joe Biden na ilagay sa half-staff ang lahat ng mga bandila na nakalagay sa mga opisina ng gobyerno matapos ang nangyaring mass shooting sa Indianapolis na ikinasawi ng walong katao.
Nanawagan din ang US president sa agarang pagtugon sa mga nagaganap na pamamaril.
Hindi lang aniya dapat na tanggapin ng US ang mga naganap na barilan at sa halip ay dapat gumawa na sila ng mga hakbang.
Magugunitang walong katao ang patay sa naganap na pamamaril sa Indianapolis na ito na ang ika-45 na mass shooting sa US sa nakaraang buwan.
“It’s a national embarrassment and must come to an end,” ani Biden sa press conference White House Rose Garden. “It’s not always these mass shootings that are occurring every single day, every single day there’s a mass shooting in the United States if you count all those who are killed out on the streets of our cities and our rural areas.”