-- Advertisements --
Hinikayat ni US President Joe Biden ang mga bansa na magkaisa.
Ito ang naging laman ng talumpati ng US President sa kaniyang kauna-unahang talumpati sa 76th United Nations General Assembly sa New York City.
Isinagawa nito ang panawagan kasunod ng mga tension na kaniyang kinakaharap dahil sa withdrawal ng mga US forces sa Afghanistan at ang alitan sa France dahil sa submarine deal sa Australia.
Dagdag pa nito na hindi nagsusulong ang US ng bagong Cold War kaya iniaalay ang anumang diplomatikong solusyon.
Inanunsiyo din nito na kaniyang do-doblehin ang climate finance ng US sa 2024.