-- Advertisements --

Nanawagan ng paglilitis si US President Joe Biden laban kay Russian President Vladimir Putin hinggil pa rin sa “war crime” na ginawa ng Russian military sa mga sibilyan sa Bucha, Ukraine.

Sa ngayon ay hindi pa binanggit ni Biden ng ngunit sinabi niya na plano niyang muling magpataw ng parusa laban sa Russia.

Kasabay ng pag-alala sa naging kalunus-lunos na sinapit ng mga nasabing sibilyan sa Bucha ay tinawag ng US President si Putin na isang “war criminal”, ngunit iginiit na kinakailangan pa nilang mangalap pa ng mga impormasyon ukol dito upang ito ay tuluyan nang malitis sa war crime trial.

Samantala, tiniyak naman ni Biden na magpapatuloy ang Amerika sa pagpapaabot ng tulong sa Ukraine, kabilang na ang pagbibigay ng mga armas na kakailanganin ng mga ito sa pakikipaglaban.

Magugunita na una rito ay sinabi na ni White House national security adviser Jake Sullivan na wala pang nakikitang ebidensya ang US ng “systematic” na mga pagpatay na magpapatunay na talnag “genocide” ang nangyayari ngayon sa Ukraine.