Nangako si US President Joe Biden ng $4 billion na kontribusyon ng Amerika sa International Development Association fund ng World Bank para sa mga mahihirap na bansa sa buong mundo.
Inanunsiyo ni Biden ang 3-year US pledge na ito sa isang closed session ng Group of 20 Summit sa Rio de Janiero kung saan ang US treasury ang mangunguna sa mga negosasyon sa World Bank para sa fund replenishment.
Ang bagong pledge na ito ng Amerika ay lagpas sa $3.5 billion na nauna ng ipinangako ng US noong Disyembre 2021.
Samantala, hindi naman malinaw sa ngayon kung kikilalanin ni US President-elect Donald Trump ang pangako ni Biden. Maaalala kasi na una ng ipinanukala ni Trump ng pagtapyas ng foreign aid sa mga nakalipas na pagkakataon.
Gayundin, hindi pa agad na maisasakatuparan ang paglalaan ng pondo ng US Congress para tustusan ang naturang commitment hanggang sa opisyal na umupo na si Trump sa Enero 2025.