-- Advertisements --
Nagpahayag nang pangamba si US President-elect Joe Biden na marami ang taong mamamatay pa dahil sa COVID-19 kapag patuloy na haharangin ni President Donald Trump ang kanilang transition.
Ayon kay Biden, hindi malayong mangyari ito kapag walang koordinasyon.
Sa kaniyang talumpati sa Wilimington, Delaware kasama si Vice President-elect Kamala Harris, kapag hihintayin pa ang January 20 sa pagsisimula ng pagpaplano ay tiyak na marami pa ang mamamatay.
Umaasa ito na maliliwanagan din si Trump bago ang pagbababa nito sa puwesto.