-- Advertisements --

Nanguna si US President Joe Biden sa pagbibigay pugay sa 13 American service members na napatay sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.

Personal na dumalo si Biden at ang ibang opisyal sa paglipat ng mga bangkay ng mga namatay na tropa sa Dover Air Force Base in Dover, Delaware.

Si Biden at ang kaniyang asawa na si Jill ay kapwa nakasuot ng itim na face mask kasama ang pamilya ng mga namatay.

Emosyunal ding sinaluduhan ni Biden ang mga nasawi na mga bata pa na ansa pagitan lamang ng 20-anyos hanggang 30-anyos bilang pagkilala sa mga ito na bayani na nag-alay ng buhay para sa nakakarami.