-- Advertisements --

Pinanindigan ni US President Joe Biden ang kaniyang desisyon sa pagtanggal ng mga sundalo ng US na nakatalaga sa Afghanistan.

Sinabi nito na bago isagawa ang desisyon ay kumuha muna ito ng ibang mga desisyon sa kaniyang mga kaalyadong bansa.

Aminado ito na hindi niya lubos-maisip na agad na bibigay ang gobyerno ng Afghanistan sa mga Taliban militants.

Magugunitang kinontrol ng Taliban ang malaking bahagi ng Afghanistan matapos na tanggalin ng US ang kanilang sundalo doon.