-- Advertisements --

Hindi pa rin natitinag ang kampo ni US President Joe Biden na umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Kasunod ito sa dumaraming mga kaalyado nito ng mga taga-Democrats na nananawagang umatras na lamang dahil sa nababahala na sila sa kaniyang kalusugan.

Sa huling pulong nito sa mga kaalyado na nananatiling matibay ang ipinapakitang suporta sa kaniya ng mga mambabatas ng Democratic kabilang ang chairs ng Congressional Hispanic Caucus at Congressional Black Caucus.

Halos 20 mga mambabatas na kaalyado ni Biden ang nanawagan na ang pinakahuli ay si California Rep. Adam Schiff.

Si Schiff ay siyang pinakamatinding kritiko ni dating US President Donald Trump at nagsilbing impeachment manager noon.