-- Advertisements --
Naniniwala si US President Joe Biden na ginagamit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Gaza war para mapatagal sa puwesto.
Dagdag pa nito na ginagamit umano nito ang nasabing giyera para sa political na kaparaanan nito.
Una ng naglatag si Biden ng mga bagong peace proposal para matigil na ang military operations ng Israel sa Gaza.
Umaasa rin ito na matatanggap ng Hamas at Israel ang nasabing proposal para maiwasan ng madamay pa ang mga sibilyan.rr5