-- Advertisements --

Naniniwala si US President Joe Biden na papasukin ng Russia ang Ukraine.

Sa kaniyang talumpati bilang isang taon sa panununkulan, sinabi ng US President na maaaring ituloy ni Russian President Vladimir Putin ang pagpasok sa Ukraine.

Subalit hindi aniya magsasagawa ng malawakang pag-atake.

Kasabay din nito ay binalaan ni Biden ang Russia na may katapat na kabayaran sakaling maghasik ng kaguluhan ang Russia sa Ukraine.

Magugunitang itinanggi ng Russia na lulusob sila sa Ukraine kahit na naglagay na ng mahigit 100,000 mga sundalo nila sa border ng Ukraine.