-- Advertisements --

Napirmahan na ni US President Joe Biden para tuluyan ng maging batas ang $1.9 trillion COVID-19 economic relief package bill.

Ayon kay Biden na ang nasabing batas ay tungkol sa pagbuhay ng backbone ng bansa na bumubuhay sa US. Ang pagpirma ni Biden ay isinagawa isang araw matapos na aprubahan ng US Senate at House of Representative ang nasabing panukalang batas.

Laman ng batas ay mabibigyan ng tig-$1,400 kada tao bilang stimulus payment at $300 federal boost kada linggo hanggang Setyembre.

Pinasalamatan din ni Biden ang mga mambabatas na nagpasa ng nasabing panukalang batas para na rin sa kapakanan ng kanilang mamamayan.