-- Advertisements --
Nasa Paris, France ngayon si US President Joe Biden para dumalo sa ika-80 anibersaryo ng D-Day o Veterans Day.
Kasama ng ilang mga lider ng kaalyadong bansa ay kanilang gugunitain ang nangyari noong June 6, 1944 na tinaguriang pinakamalaking military invasion sa karagatan sa buong kasaysayan.
Tinatayang nasa 10,000 katao ang nasawi noon at ang naging matinding laban nila sa mga Nazi sa Germany.
Inaasahan na magtatalumpati ang US President kung saan bibigyan niya ng pugay ang mga sundalong Amerikano na nasawi dahil sa nasabing giyera.
Magugunitang naging magkaalyado ang US at France lalo na sa pagtulong sa Ukraine noong ito ay atakihin ng Russia.