-- Advertisements --
Tiniyak ng White House na nasa mabuting kalagayan si US President Joe Bident matapos na tatlong beses itong matumba sa hagdan habang paakyat ng kaniyang Air Force One plane.
Ayon kay White House principal deputy press secretary Karine Jean-Pierre, dahil daw sa malakas na hangin kaya ito natumba.
Patungo sa Atlanta ang pangulo, para sana sa pakikipagpulong sa mga Asian-American Community.
Nauna rito, naging usap-usapan ang nangyaring pagkatapilok ni Biden habang umaakyat sa eroplano nito.
Magugunitang noong Nobyembre ay napilayan ito sa paa dahil sa pakikipaglaro sa kaniyang alagang aso.