-- Advertisements --

Dumating na sa Saudi Arabia si US President Joe Biden.

Nakatakda ito ng makipagpulong kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.

Pagkagaling nito sa Israel ay dumiretso ang US President sa Saudi Arabia.

Una rito ay binatikos si Biden sa pagtungo nito sa Saudi matapos n akusahan ng US ang Saudi sa paglabag sa karapatang pantao.

Ito ay dahil sa itinuturing suspek ng US Intelligence agency ang Crown Prince na nasa likod ng pagpatay kay US-based Saudi dissident at journalist na si Jamal Khashoggi.

Pagtatanggol ni Biden na ang pagbisita niya sa Saudi Arabia ay para mag-reorient sa relasyon nila ng US.