-- Advertisements --
Dumating na sa United Kingdom ngayong araw si US Pres. Joe Biden bago ang nakatakdang G7 Summit bukas.
Sa walong araw na pagbisita ni Biden sa Europe, nakatakdang makipagkita ang pangulo ng Amerika kay Russian Pesident Vladimir Putin sa Geneva kung saan tatalakayin ang mahahalagang usapin na may kinalaman sa arms control, climate change, Russian military involvement sa Ukraine, cyber-hacking activities ng Russia at pagkulong sa Russian dissident na si Alexei Navalny.
Binigyang diin ni Biden hindi nito gustong magkaroon ng conflict at nais ng Estados Unidos na magkaroon ng stable at predictable na ugnayan sa Russia ngunit nagbabala ito sa consequences sakaling masangkot sa harmful activities ang kanilang government.