-- Advertisements --

Dumating na sa Geneva, Switzerland si US President Joe Biden, ilang oras bago ang pakikipagpulong niya kay Russian President Vladimir Putin.

Mula sa Brussels, Belgium matapos na dumalo sa NATO meeting ay lumapag ang sinakyang Air Force One na eroplano ni Biden sa Cointrin airport.

Nakipagpulong muna ang US President kay Swiss President Guy Parmelin at ilang opisyal ng bansa.

Dumiretso agad ang US President sa five-star Intercontinental Hotel lulan ng kaniyang limousine na tinawag na “The Beast”.

Ang nasabing pagpupulong ay siyang unang pagkakataon na gagawin ni Biden mula ng maupo ito sa puwesto noong Enero.