-- Advertisements --
Mas dinoble na ngayon ni US President Joe Biden ang pag-eenganyo sa kaniyang mamamayan na magpabakuna.
Ito ay para mapigilan ang pagdami ng mga nadadapuan ng Delta variant ng COVID-19 sa US.
Sinabi ng US President na nauubos na ang kaniyang pasensiya dahil marami pa rin sa kaniyang mamamayan ang nagdadalawang isip na magpabakuna.
Inatasan niya ang kaniyang Labor Department na i-require ang lahat ng kanilang empleyado na magpabakuna at sumailalim sa COVID-19 testing.
Papatawan aniya ng gobyerno ang mga kumpanyang hindi magpapabakuna ng kanilang mga mamamayan.