-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ni US President Joe Biden sa kaniyang mga mamamayan na magpabakuna.

Sinabi nito na ang pagkakaroon ng kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad kaya dapat na magpabakuna para maprotektahan hindi lamang ang sarili at sa halip ay para sa pamilya at sa bansa.

Ilan sa mga insentibo na ipinanukala nito para makahikayat na magpabakuna ang mga tao ay ang pagkakaroon ng paid-leave sa mga empleyado na magpapabakuna at ang pagbibigay ng $100 para sa mga magpapabakuna.

Plano din nito na dapat mabakunahan na ang mga guro para tuluyan ng mabuksan ang mga paaralan.

Magugunitang ipinanukala ng US Center for Disease and Control ang pagsusuot muli ng face mask dahil sa muling pagtaas ng kaso ng DELTA variant ng COVID-19.