-- Advertisements --
Personal na nakausap ni US President Joe Biden ang asawa at anak ng nasawing Russian opposition leader Alexei Navalny.
Ayon sa White House na naganap ang pag-uusap ni Biden at sina Yullia ang asawa ni Alexei at Dasha Navalnaya ang anak nito sa San Francisco, California.
Nagpaabot ng pakikiramay si Biden ganun din ang paghanga nito sa tapang na ipinamalas ni Navalny.
Dagdag pa nito na tiyak na hindi malilimutan ng mga Russians ang tapang ni Navalny lalo sa pagsulong nito ng demokrasya at proteksyon ng karapatang pantao.
Pagtitiyak ng US President na inihahanda na nila ang mabigat na sanctions laban kay Russian President Vladimir Putin.