Inatasan ni US President Joe Biden ang kaniyang Intelligence community na magdoble kayod para sa pag-iimbestiga ng pinagmulan ng COVID-19 sa loob ng 90 araw.
Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng ulat ng US Intelligence na maya ilang mga researchers sa Wuhan Institute of Virology ang nagkasakit noong Nobyembre 2019.
Sinabi ng US President na lahat ng mga pananaliksik ay kailangan isagawa nila kahit na ang pag-kuwestiyon nila sa China.
Tutulong aniya ang kanlang National Labs at ilang ahensiya sa US para mapabilis ang pag-iimbesitga.
Noon pang Marso aniya ay mayroon na itong direktiba sa kaniyang national security adviser na si Jake Sullivan na pamunuan ang intelligence community para ihanda ang ulat at most-up-to-date na analysis sa pinagmulan ng COVID-19 kung ito ay nagmula sa hayop o aksidente sa laboratoryo.