-- Advertisements --
Pinayagan na ni US President Joe Biden ang Ukraine na gamitin ang kanilang long-range para sa pag-atake sa Russia.
Ang nasabing hakbang ay matagal ng hiniling ni Ukraine President Volodymyr Zelensky para kanilang ma-target ang location sa loob ng Russia.
Nag-suplay kasi ang US ng MGM-140 Army Tactical Missile System, o ATCMS.
Ang ATACMS ay missiles na kayang umabot ng hanggang 300 kilometers na mahirap maharang dahil sa kanilang bilis.
Minsan lamang ito nagamit ng Ukraine laban sa Russia kung saan tinarget ang Crimea.
Dahil sa pagpayag ay matatamaan na ng Ukraine ang mga bases, storage facilities at logistics hubs ng Russia.