-- Advertisements --

Agad na pinakikilos ni US President Joe Biden ang buong federal government na ‘wag hahayaang mamatay sa gutom at mawalan ng trabaho ang kanilang mamamayan.

Ginawa ni Biden ang pahayag kasabay ng kanyang pagpirma ng dalawang executive orders na nakapokus sa pagpapalawak ng food assistance, pagbibibigay pinansiyal na ayuda at pagtataas sa minimum wage ng $15 sa mga federal workers.

Biden Harris signing signs White House

Ayon kay Biden mahalagang kumilos na ngayon upang mawala ang mahahabang pila ng mga pamilya na nanghihingi ng pagkain, mga nangungupahan na mawalan ng bahay at lalo pang paglobo ng bilang ng mga walang trabaho.

Una nang hiniling ng Biden government sa mga federal agencies na ipatigil muna ang pagpapalayas sa mga nangungupahan na wala ng maibayad ng hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.

“We cannot, will not, let people go hungry. We cannot let people be evicted because of nothing they did themselves. We cannot watch people lose their jobs and we have to act. We have to act now. It’s not just to meet the moral obligation to treat our fellow Americans with the dignity and respect they deserve,” ani Biden. “We must act decisively and boldly to grow the economy for all Americans not just for tomorrow, but in the future.”

Kung maalala bago pa man umupo sa pwesto si Biden, kanya nang inilatag ang relief plan na nagkakahalaga ng $1.9 trillion.

Kabilang din sa naturang halaga ay paglalaan ng direktang economic relief kasama na ang $1,400 na stimulus checks.