-- Advertisements --
Pinulong ni US President Joe Biden ang mga pamilya ng mga biktima ng gumuhong Champlain Towers sa Surfside, Florida.
Nagtungo kasi ang US president isang linggo matapos ang pagguho ng 12-palapag na gusali.
Unang pinasalamatan ni Biden ang mga first responders sa nasabing aksidente.
Umaabot sa halos 150 ang hindi pa nahahanap habang nasa 18 bangkay ang natagpuan ng mga rescuers.
Tumulong na ang ibang bansa para sa mapabilis ang nasabing paghahanap ng mga natabunan sa gumuhong gusali.