-- Advertisements --
Pinulong ni US President Joe Biden ang kaniyang senior national security team.
Tinalakay dito ang posibilidad na pagganti ng Iran sa Israel matapos na masawi si Hamas political lider na si Ismail Haniyeh.
Mula noong nangyari ang insidente ay tumindi ang tensiyon kung saan sinisi ng Iran ang Israel na sila ang nasa likod pag-atake.
Sinabi naman ni US Secretary of State Antony Blinken na ginagawa nila ang lahat ng hakbang para maiwasan ang anumang paglala ng kaguluhan.
Magugunitang maraming bansa na gaya ng US at United Kingdom ang nag-utos sa kanilang mga mamamayan na agad na lumisan at iwasan ang Lebanon na siyang kaalyado ng Iran.