Pinuri ni US President Joe Biden ang naging hatol ng korte sa pulis ng nakapatay sa black American na si George Floyd.
Sinabi nito na ang mensahe ng hatol ay nagpapakita ng “no one should be above the law.”
Pero hindi pa rin daw ito sapat hangga’t hindi pa rin natitigil ang mga nagaganap na racial crimes.
Pinasalamatan naman ni Biden ang mga naging witness na tumulong para maipakita sa publiko ang maling ginawang paghuli ng mga kapulisan sa estado ng Minneapolis.
Nauna rito, ilang minuto matapos ang paglabas ng hatol ay personal pang tinawagan ni Biden ang pamilya ni Floyd at ipinarating na natuwa ang US president at si Vice President Kamala Harris sa naging hatol laban sa dating policeman na si Derek Chauvin.
“No one should be above the law. Today’s verdict sends that message, but it is not enough. We can’t stop here. In order to deliver real change and reform, we can and we must do more to reduce the likelihood that tragedies like this ever occur,” ani Biden sa statement. “There’s meaningful police reform legislation in George Floyd’s name, but it shouldn’t take a year to get it done. I assured the Floyd family that we’re going to continue to fight for the passage of the George Floyd Justice in Policing Act so I can sign it into law right away.”