-- Advertisements --
Pinayagan na ni US President Joe Biden ang Ukraine na gamitin nila ang mga ibinigay na armas laban sa Russia.
Ayon sa White House na ito ay sa kondisyon na ang mga armas mula sa US ay magagamit bilang counter-fire purpose sa Kharkiv region.
Nanindigan din ang US na hindi papayagan ang paggamit ng long-range missile sa loob ng Russia.
Ang hakbang ay dahil sa patuloy ang pagkubkob ng Russia sa Kharkiv regions.
Una ng naghayag ang ilang mga bansa gaya ng France, Germany at United Kingdom na bukas sila sa paggamit ng Ukraine ng mga armas na kanilang binigay.
Magugunitang nagbabala ang Russia na magdudulot lamang ng tensiyon ang pangingialam ng mga bansang kaalyado ng Ukraine.