-- Advertisements --

Nakatakdang pulungin ni US President-elect Joe Biden ang mga coronavirus vaccine advisers ni US President Donald Trump.

Ayon kay Moncef Slaoui ang chief adviser ng Operation Warp Speed initiative ng US government, na isasagawa ang pagpupulong anumang araw ngayong linggo.

Umaasa ito na matutuloy na para masimulan na ang hakbang ng pagpapabakuna sa kanilang mga mamamayan.

Nauna ng pinuna ni Biden ang hindi pagsumite ng kampo ni Trump ng kanilang diskarte sa pagpapakalat ng bakuna.