-- Advertisements --

Pupulungin ni President Joe Biden ngayong araw ang mga world leaders mula sa mahigit 100 bansa para sa democracy summit.

Isasagawa ang pagpupulong sa pamamagitan ng virtual summit na magtatagal hanggang bukas, Disyembre 10.

Kabilang din ang ilang mga non-government organizations, private businesses, philanthropical organizations at legislatures sa summit.

Ilan sa mga agenda ay ang pagpapanumbalik ng demokrasya at pagtugon sa pinakamalaking banta sa kasalukuyan sa pamamagitan ng “collective action.”

Hindi kasama sa summit ang China at Russia na itinuturing ni Biden na “champions of autocracies camp”.

Subalit naimbitahan ang Taiwan na isang democratically ruled island na ikinokonsidera ng mainland China na parte ng teritoryo nito.