-- Advertisements --

Pupulungin ni US President Joe Biden ang mga lider ng Japan at South Korea.

Layon nito ay para mapagtibay ang relasyon ng US at ang maaring pagbabago sa pag-upo ni president-elect Donald Trump.

Itinuturing na mahalaga ang pagpupulong dahil sa tumataas na tensiyon sa Korean peninsula lalo na ang pagtulong ng sundalo ng North Korea sa Russia sa paglaban sa Ukraine.

Naniniwala din si Biden na sa nasabing pagpupulong ay mababawasan ang tensiyon sa pagitan ng North at South Korea.